Rebuttal ng mga tiwalag at mang-uusig sa INC: "Bago kayo magsalita...tatanungin ko muna kayo..."
Sample lang ito ng mga nais sabihin ng mga tiwalag at mang-uusig sa IGLESIA NI MANALO este Cristo. Pagtiyagaan niyong basahin, may kahabaan ito.
Mula sa panig ng mga TIWALAG:
BAGO NIYO KAMI SABIHAN na naging taksil kami sa inyo noong iniwanan namin kayo, TATANUNGIN KO MUNA KAYO: HINDI RIN BA KAYO NAGING TAKSIL SA AMIN? NAGING TAPAT RIN BA KAYO SA AMIN? Sige nga, kaya niyo bang sabihin na hindi rin kayo nagiging taksil sa inaangkin niyong KAHALALAN? Aba, ang kapal naman ng mga mukha niyo para sabihin yan. Bago niyo sabihing taksil kami, siguraduhin niyo munang hindi rin kayo nagtataksil sa mga sarili niyong doktrina. Doktrina ng pag-iibigang magkapatid? Maraming natiwalag sa aming matitino dahil sa mga hindi makatarungang akusasyon, hindi patas na hatol at mababaw na ulat. Haimbawa, willing kayong magtiwalag ng isang teacher na sumali lang sa isang Halloween party kumpara sa mga manyakis at rapist na mga ministro at diakono. Isa pa, kung hindi niyo kami binibigyan ng dahilan para paghinalaan ang aming kahalalan kuno, gagawa ba kami ng paraan para tumiwalag sa inyo? Nasaan ang pag-iibigang magkapatid doon? Doktrina ng pagbabagong-buhay? Ang dami niyong ebas. Hindi ko kayo lalahatin pero madami rin namang nabubuhay sa inyo sa "maka-sanlibutang" paraan. Marami pa din naman sa inyong lasenggero, sugarol, basagulero, manyakis, etc. Wala rin naman kayong pinagkaiba halos sa mga taong kinokondena niyo. Nakakapunyeta lang para isaysay ko yung haba at dami ng ka-ipokritohan niyo sa mga sarili niyong doktrina.
Bago niyo sabihing hindi namin minahal ang Iglesia, tatanungin ko muna kayo, SIGURADO BA KAYO? Okay, sabihin na nga nating hindi namin minahal ang Iglesia, GINAWA NIYO BANG KAMAHAL-MAHAL ANG IGLESIA SA AMIN? Paano namin mamahalin ang sobra-sobrang demands ng lintik niyong relihiyon? Abuloy dito, abuloy doon. Handog dito, handog doon pero saan napupunta ang mga perang inihahandog niyo? Facade niyo na lang ang magaganda niyong kapilya at maluluho niyong gastusin diyan pero in reality, puno ng kabulukan ng kurapsyon ang loob ng samahan niyo. Mga CR ng marami niyong kapilya, hindi niyo man lang maipaayos, ang babaho at ang dudumi. Kung taga-sanlibutang matino ang isip ang aakitin niyong umanib sa inyo, maakit ba siya? HINDI! Sa ganyang aspeto pa nga lang, bagsak na kayo! Isa pa, ang hilig niyong gipitin ang mga kaanib niyo para lang mapanatili ang Iglesia niyo, mapa-maytungkulin man yan o ordinaryong kaanib. Ang mga kabataan, kinokondisyon niyo na halos na tumira sa kapilya niyo anumang tungkulin ang hawak nila. Ang mga matatandang maytungkulin, grabe niyong pahirapan sa pagtupad na halos kalimutan niyo nang tao ang pinapatupad niyo. Ang mga inaalok niyo namang tumanggap ng tungkulin, GRABE kung takutin niyo, kunsensyahin niyo, kulitin niyo at kung ano-ano pang kabastusan ang pinaggagagawa niyo. PUTANG INA NINYO, DIYAN LANG KAYO MAGALING! Nandiyan na ang sarap ng tulog ng tao, kakalampagin niyo sa bahay nila para lang tumupad ng punyetang tungkulin, ahay. TAO PA BA ANG TINGIN NIYO SA KANILA? Aba, mga tao yan na napapagod, nasasaktan at nauubusan ng pasensya. Mga tao yan na may mga sariling buhay, pangarap, hanapbuhay at pamilya. HINDI SILA ROBOT! Saan niyo nakukuha ang kapal ng mukha niyo para humingi ng pagmamahal sa mga kaanib niyo kung ganun ang trato niyo sa kanila?! Kapal ng mukha niyo uy! Magpasalamat pa nga kayo dahil marami pa din kayong kaanib na willing magpauto sa inyo habambuhay. Masama pa nito, ang daming gustong magbalik-loob sa inyo pero sobrang pahirapan pa ang proseso makabalik lang sila. Nandiyan na may nalalaman pang liham sa pinanggalingang lokal at QR code, etc. NGAYON NIYO SABIHIN HINDI NAMIN KAYO MINAHAL KAHIT MGA DEMONYO KAYONG MAY KATAWANG TAO!
Bago niyo sabihing hindi kami maliligtas dahil naalis kami sa talaan at kayo lang ang maliligtas, tatanungin ko muna kayo, ALAM AT SIGURADO BA KAYO SA NILALAMAN NG PUSO NG AMA AT NI CRISTO? Ewan ko lang ha, kung mali ako ng pagkakaunawa. Pero kung kayo lang talaga ang ililigtas nila sa bilyon-bilyong tao na nilalang ng Ama, bakit sa muling pagdating ni Cristo dito sa lupa para maghari dito ng isanlibong taon kasama ng mga banal niya, ikukulong Niya rin si Satanas sa parehong haba ng panahon para hindi na siya makapandaya sa mga bansa? Hindi kaya pagkakataon yun para sa mga nadaya at naligaw? Alam niyo ba ito galing sa Biblia? Hindi, dahil nakadepende lang kayo sa baluktot na interpretatsyon ng Biblical eschatology ng mga ministro, FYM, EGM at EVM. Isa pa, sa mga pinaggagagawa niyong kademonyohan at katarantaduhan sa larangan ng relihiyon, kaligtas-ligtas ba ang mga pinaggagagawa niyo? Ewan ko lang.
Mula naman sa panig ng mga MANG-UUSIG:
Bago niyo kami tanungin kung bakit hindi namin kayo nirerespeto, ito ang tanong namin sa inyo, MERON BA KAYO NUN? Alam niyo bang ibigay sa kapwa niyo ang bagay na hinihingi niyo? Kailan pa naging respeto sa kapwa yung magdulot kayo ng matinding traffic congestion sa mga motorista sa EDSA at Quirino Grand Stand para sa mga paimbabaw niyong aktibidad gaya ng World Wide Walk at Rally For Peace kuno? Kailan pa naging respeto sa kapwa ang double standard at biased niyong pambabatikos sa ibang mga relihiyon? Mga Katoliko at Protestante lang naman ang alam niyong batikusin. Pero wala pa kaming nadaluhan halos na mga pamamahayag at pagsamba na kung saan ang binabatikos niyo ay ang mga Hindu, Buddhist, Muslim, Shintoist, Baha'i Faith, etc. Nasaan ang bayag niyo? Alam niyo, kung naiintindihan niyo ang salitang respeto, dapat ay naiintindihan niyo rin na ang pagsisimula ng karapatan ng kapwa niyo ay ang pagtatapos ng inyong mga karapatan. Hindi ba kayo makagawa ng aktibidad na kung saan, kayo lang ang apektado? Yung mga kinokondena niyong taga "SANLIBUTAN", mga tao yan na may sariling buhay na nararapat sa respeto. Hindi kayo magpakatao.
Bago niyo kami paratangan na mga sinungaling kami sa pang-uusig sa inyo, ito ang tanong namin sa inyo, UUSIGIN BA NAMIN KAYO KUNG HINDI KAUSIG-USIG ANG MGA PINAGGAGAGAWA NIYO? Isa pa, hindi ko naman lalahatin ha, may ibang mang-uusig naman talaga na sinungaling, pero sa tingin niyo lang, lahat ba ng umuusig sa inyo, sinungaling? Aba, masyado naman pala kayong narcissistic kung ayaw niyong nasusukol at napupuna kayo sa mga mali niyo. Hindi lang kayo ang laging tama. Tandaan niyo na kahit ang patay na orasan, nagpapakita ng tamang oras dalawang beses sa isang araw. Maidagdag ko lang, hindi niyo ba naisip na kaya rin naman kayo inuusig ay dahil sa mga sinungaling din kayo? Mula sa mga doktrina at pamamalakad niyo sa loob, talamak ang inyong mga kasinungalingan. Halimbawa, nung natuklasan namin na hindi naman talaga nag-aral si Felix Manalo sa Pacific School Of California, tingin niyo hindi namin kayo uusigin? Sige nga! Ito pa, ano yung bilyon-bilyong utang ni EVM sa BDO? Ahay, mga narcissistic talaga kayo. Tapos defense mechanism niyo, "PINAG-UUSIG KAMI." Kakahiya kayo.
Ah basta, ang Ama lang naman talaga ang nakakakilala ng bawat isa sa atin. Maaring masyadong condemning ang mga pananalita ko dito, pasensya na sa Kanya. Pero tatandaan niyo INC at EVM, hindi ako nagmamalinis. Pare-parehong aalingasaw ang mga baho natin sa Araw Ng Paghuhukom.